Unang REXECOM ng CALABARZON Laguna Elite Region ginanap sa Luisiana
Unang REXECOM ng CALABARZON Laguna Elite Region ginanap sa Luisiana
Luisiana- Isinagawa ng The Fraternal Order Of Eagles- CALABARZON Laguna Elite Region ang kanilang kauna unahang Regional Executive Committee Meeting (REXECOM) para sa year 2026 sa Maribella Garden and Resort Brgy. San Pedro, Luisiana Laguna.
Dumalo ang San Pablo City Lady Eagles Club sa pangunguna ni Club President Angie Yang kasama ang ilang opisyales ng kanilang club.
Pinangunahan ng 4rt District Laguna- Luisina Supreme Eagles Club sa pamumuno ni Eagle Kuya Junar L Romulo, na nag bigay ng malugod na pagtanggap sa mga panauhin at kalahok sa nasabing pagtitipon, kasama ang kanilang lady Eagles na naging punong abala at nag asikaso sa lahat.
Dumalo si Executive National Vice President Eagle Kuya Rommel Abital na nagbigay ng mahalagang mensahe pang fraternal at mga responsibilidad ng isang pagiging agila lalo na sa mga opisyales.
Naging makabuluhan ang nasabing meeting na nakapagbalangkas ng mga gagawing at programa sa buong taon sa pangunguna ni Regional Governor Reggie Nunag, kabilang na dito ang magaganap na National Assembly na kauna- unahang idadaos sa Lunsod ng San Pablo.
Nabigyan linaw din ang pagkakaroon ng renewal ng ID ng bawat miembro, pag iinduct ng mga magiging new member na gaganaoin sa nalalapit na Abril kasabay ng panunumpa ng mga opisyales.
Nagpasalamat ang Governor ng Region na si Reggie Nunag sa pakikipag kaisa ,pagdalo ng mga pangulo ng bawat Club ng kanilang Region.
Sa huli ipinakita ng bawat miembro agila at mga club ang iisang adhikain nila na nagkakakisa na ginagawa ang mga kaparaanan upang magtulungan,at tumulong sa kapwa para sa Diyos at sa Bayan.( Lynn Domingo)

Comments
Post a Comment