BFP Roadshow, matagumpay na isinagawa sa SM San Pablo

 BFP Roadshow, matagumpay na isinagawa sa SM San Pablo

San Pablo City-Matagumpay na naisagawa ang Regional Fire Square Roadshow ng Bureau of Fire Protection (BFP) Region IV-A CALABARZON sa SM City San Pablo noong March 3 - 4. May temang "Sa pag -iwas sa sunog, Hindi ka nag iisa", ang roadshow ay sentro ng mga aktibidad kaugnay ng Fire Prevention Month 2026. Layunin ng programa na magbigay ng mahahalagang fire safety tips sa mga mamamayan upang bawasan ang panganib ng sunog sa komunidad.

Nagbigay ng mensahe ang mga opisyal ng BFP, kabilang sina FSSUPT Douglas M. Guiyab, Deputy ARD for Operations; at FSSUPT Antonio O. Sobejana IV, Deputy ARD for Administration. Ang pagbati ng Pamahalaang Panglunsod at ni Mayor Najie B. Gapangada ay ipinaabot ni City Administrator Atty. Joseph Marnic V. De Mesa.

Pinamahalaan nina FO2 Jean Myrille Fernandez at FO1 Lester Dela Rosa bilang Masters of Ceremony ang buong event, kasama ang mga estudyante at personnel. Ayon sa BFP, layunin ng roadshow na palakasin ang disaster preparedness ng komunidad, lalo na sa panahon ng tag-araw. (KC AJES AT SHEENA BANATLAO, DLSP INTERNS, CIO)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course