Corn silage demo, inilunsad sa San Gregorio, San Pablo City
Corn silage demo, inilunsad sa San Gregorio, San Pablo City
San Pablo City-Matagumpay na inilunsad ng City Agriculture Office (CAO) ang Harvest Festival “Corn Silage Techno Demo” sa Brgy. San Gregorio, San Pablo City. Ang programa ay naglalayong palakasin ang paggamit ng corn silage bilang pagkain para sa mga livestock, at ang pagtiyak na ito ay magiging isang epektibong pinagkakakitaan para sa mga magsasaka sa rehiyon.
Sa isinagawang programa ay ipinaliwanag ni CAO Supervising Administrative Officer Erlene A. Delgado ang kahalagahan ng ganitong uri ng teknolohiyang pangsakahan para sa mga lokal na magsasaka. Nagbigay din ng mensahe si Marife B. Mendoza, dating Bise Alkalde ng Dolores, Quezon, na nagpahayag ng suporta sa programa. Pinasalamatan naman ni CAO Executive Assistant for Agriculture Pepito D. Bonilla ang lahat ng nakiisa at tumulong sa matagumpay na proyekto at nanawagan sa mga magsasaka na yakapin ang modernong pamamaraan ng pagsasaka.
Mahusay na pinamahalaan ang buong programa nina Agricultural Technologists Marites S. Malijan at Anacel A. Gutierrez, kaisa ang ilang magsasaka ng barangay.
Ang corn silage demo ay bahagi ng itatatag na industriya ng gatasang baka na binalangkas nina Mayor Najie B. Gapangada at Administrator Atty. Marcus Antonius T. Andaya ng National Dairy Authority upang hubugin ang San Pablo City bilang sentro ng dairy industry sa Laguna. (Lyra Kate Bunyi, DLSP Intern, CIO)

Comments
Post a Comment