Pagpapatupad ng DILG MC 2024-109 at Pagbabalik ng Tradisyonal na Sabong isinusulong ni Bokal Arvin Manguiat

Pagpapatupad ng DILG MC 2024-109 at Pagbabalik ng Tradisyonal na Sabong isinusulong ni Bokal Arvin Manguiat


Sta. Cruz, Laguna- Isinusulong ni Philippine Councilor League Laguna Chapter Board Member Arvin Manguiat ang pagpapatupad ng DILG MC 2024-109, kaugnay nito ang pagkansela sa mga betting machine at pagbalik sa tradisyonal na sabong. 

Matatandaan na noong nagkaroon ng pandemya upang maiwasan ang pisikal na ugnayan kaya nagkaroon ng machine betting sa mga sabungan

Ayon kay Bokal Arvin Manguiat, Sa pamamagitan ng Proclamation 297 o Lifting of the State of Public Health Emergency Throughout the Philippines due to Covid 19 na nilagdaan ni Pangulong Bong Bong Marcos ay maibalik na muli ang tradisyunal na sabong. 

Nilinaw ni Bokal Manguiat, na saklaw ng Local Goverment Unit (LGU) ang kapangyarihan na amyendahan ang mga lokal na ordinansa habang ang Philippine National Police (PNP) ang pangunahing tagapagpatupad ng mga alituntunin. 

Binigyan diin ni Bokal Arvin, na bagama't wala pang pambansang patakaran sa ilalalim ng PD 449 na nagpapahintulot sa paggamit ng mga machine sa sabungan, maari itong amyendahan ng LGU ang kanilang ordinansa upang payagang ito makabuo ng solusyon sa kapaki pakinabang sa parehong tradisyunal at machine-bases na pagsasabong. 

Panoorin ang panayam kay Boka Arvin Manguiat para sa buong detalye ng storya.

#information #TRADISYUNAL #highlights #foryoupagereels #everyonehighlights

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course