Pagsanjan Mayor Januario Garcia nakiisa sa pagunita ng Fire Prevention Month
Pagsanjan Mayor Januario Garcia nakiisa sa pagunita ng Fire Prevention Month
PAGSANJAN, LAGUNA – Nakiisa si Mayor Januario “Ferry” Garcia sa isinagawang motorcade ng Bureau of Fire Protection (BFP) Pagsanjan bilang bahagi ng paggunita sa Fire Prevention Month noong Marso 1, 2026. Layunin ng aktibidad na palakasin ang kamalayan ng publiko tungkol sa kahalagahan ng pag-iingat at paghahanda laban sa sunog.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng alkalde ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng bawat mamamayan sa mga programa ng BFP upang mapanatili ang kaligtasan ng komunidad. Ayon kay Mayor Garcia, ang Fire Prevention Month ay mahalagang paalala sa lahat na maging maingat at responsable upang maiwasan ang mga insidente ng sunog.
Pinuri rin niya ang dedikasyon at sakripisyo ng mga bumbero na patuloy na nagsisilbi at nagbabantay upang masiguro ang kaligtasan ng buhay at ari-arian ng mga residente ng Pagsanjan. Aniya, ang kanilang serbisyo ay mahalagang bahagi ng pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa bayan.
Ipinaabot din ng alkalde ang buong suporta ng Pamahalaang Bayan ng Pagsanjan sa mga programa at kampanya ng Bureau of Fire Protection, lalo na sa mga aktibidad na naglalayong palawakin ang kaalaman ng publiko sa fire safety at disaster preparedness.
Sa huli, hinikayat ni Mayor Garcia ang mga mamamayan na makiisa sa mga adbokasiya ng Fire Prevention Month at isabuhay ang pagiging mapagmatyag at responsable upang maiwasan ang sunog at mapanatiling ligtas ang buong komunidad.(RJ Reportorial)

Comments
Post a Comment