SOLid Manguiat PCL Cup sinimulan na sa Siniloan

 SOLid Manguiat PCL Cup sinimulan na sa Siniloan


LAGUNA – Pormal nang sinimulan ang SOLid Manguiat PCL Cup Invitational Basketball League sa pamamagitan ng isang Tip-Off Ceremony na ginanap alas-1:00 ng hapon noong Marso 7, 2026, araw ng Sabado sa bayan ng Siniloan na matatapos Hanggang June.
Pinangunahan ang pagbubukas ng liga ni PCL President at Laguna Board Member Arvin L. Manguiat kasama si Siniloan Mayor Patrick Z. Go, mga opisyal ng lokal na pamahalaan, at ang mga opisyal ng Saturday Sunday Club (SSC) na katuwang sa pag-organisa ng naturang basketball tournament.
Dumalo rin bilang mga espesyal na panauhin ang ilang kilalang personalidad sa larangan ng basketball kabilang sina Coach Jay Serrano ng NLEX Road Warriors, PBA Legend Asi “The Rock” Taulava, Jake Pascual ng NLEX Road Warriors, at Dave Marcelo, na nagbigay inspirasyon sa mga manlalaro at basketball fans na dumalo sa naturang okasyon.
Kasama rin sa mga dumalo ang mga opisyal ng Siniloan na pinangunahan ni Vice Mayor Joseph Masacupan at mga miyembro ng Sangguniang Bayan kabilang sina Konsi Jem Tibay, Konsi Regie De Jesus, Konsi C-An Puño, Konsi Aris Lauresta, Konsi AR Adofina, Konsi Allan Basilan, Konsi Philip Castro, at Konsi Marsan Pascual, gayundin sina ABC President Jennet Jaen at SK Federation President Aubrey Advento.


Ang liga ay pinamamahalaan ng Saturday Sunday Club (SSC) sa pangunguna ni President JV Valerozo, kasama si Commissioner Ramon Sanchez at Head Technical Committee Carlo Realeza. Aabot sa P500,000 ang kabuuang premyo para sa finals ng naturang liga, habang tinatayang P400,000 naman ang ginastos para sa referees, trophy, medalya, at iba pang pangangailangan ng torneo.
Ayon kay Board Member Arvin Manguiat, personal niyang sinagot ang gastusin para sa liga upang makapagbigay kasiyahan sa mga mamamayan ng 4th District B ng Laguna, partikular sa mga bayan sa Baybayin area na kalahok sa naturang paligsahan.“Personal ko po itong gastos at hindi po ito galing sa aking pondo sa PCL para magbigay kasiyahan sa mga taga-4th District B. Magsisilbi rin itong event namin kasama si Governor Sol Aragones at ang Philippine Councilors League,” pahayag ni Manguiat. Layunin ng naturang liga na palakasin ang sports development sa komunidad at hikayatin ang mga kabataan na makilahok sa mga positibong aktibidad sa pamamagitan ng basketball.

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course