TINDAHAN NG SAMAHAN NG KUMPADRES AT KUMADRES NG SAN ROQUE
TINDAHAN NG SAMAHAN NG KUMPADRES AT KUMADRES NG SAN ROQUE :Isinagawa ang pormal na turnover ng Tindahan ng Samahan ng Kumpadres at Kumadres ng San Roque sa pangunguna ng City Livelihood and Entrepreneurship Development Division, Pebrero 11.Nakatanggap ang samahan ng P50,000 halaga ng sari-sari store package bilang panimulang puhunan upang higit na mapalakas at mapalago ang kanilang kabuhayan. Layunin ng Pamahalaang Lungsod, sa pamumuno ni Mayor Atty Arth Jhun Aguilar Marasigan (AJAM), Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez, at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, katuwang ang Pamahalaang Barangay ng San Roque, na makapagbigay ng mas maraming oportunidad at higit na mapalakas ang mga kababaihan sa pamamagitan ng konkretong suportang pangkabuhayan.

Comments
Post a Comment