Triskelion Alumni Organization ng San Pablo, Nagsagawa ng Libreng Serbisyong Medikal sa Barangay Bagong Bayan
Triskelion Alumni Organization ng San Pablo, Nagsagawa ng Libreng Serbisyong Medikal sa Barangay Bagong Bayan
San Pablo City-Matagumpay na isinagawa ng Triskelion Alumni Organization City of San Pablo Inc. ang kanilang kauna-unahang proyekto sa Barangay Bagong Bayan. Sa pangunguna ni Pangulong Jhoper Pangan at mga Vice President na sina Jhong Fernandez at Myrna Del Rosario, naghatid sila ng libreng serbisyong medikal sa mga residente ng barangay.
Mahigit limampung residente ang nakinabang sa libreng konsultasyon, blood pressure monitoring, at iba pang pangkalusugang serbisyo sa pamamagitan ng mga boluntaryong doktor na sina Dr. Ayesha Marie Ramirez at Dr. Riel Mari Ramirez.
Ayon kay Pangulong Pangan, ito ay simula pa lamang ng kanilang mga plano upang maghatid ng serbisyo sa iba pang barangay sa Lungsod ng San Pablo. Ipinahayag din ni Barangay Captain Robbie Narvaja ang kanyang pasasalamat sa samahan sa pagtulong sa komunidad.
Nagpakita rin ng suporta sa proyekto si City Councilor John Adajar, kasapi ng samahan, bilang pagkilala sa kanilang adbokasiya ng paglilingkod sa lipunan.(Lynn Domingo)

Comments
Post a Comment