2 Lider Ng Simbahang Katoliko Sa Pilipinas, Itinalaga Sa Vatican Communications Body

 2 Lider Ng Simbahang Katoliko Sa Pilipinas, Itinalaga Sa Vatican Communications Body


San Pablo City-Itinalaga ni Pope Leo XIV sina Cardinal Luis Antonio Tagle at San Pablo City Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. bilang mga bagong miyembro ng Dicastery for Communication ng Vatican.
Ang Dicastery ang nangangasiwa sa kabuuang network ng komunikasyon ng Holy See. Layunin nitong pag-isahin at palakasin ang lahat ng gawain ng Simbahang Katoliko sa larangan ng komunikasyon, kabilang ang opisyal na balita, website, social media, at press operations.
Batay sa abiso ng Holy See na inilabas noong Abril 9, kabilang sina Cardinal Tagle at Bishop Maralit sa mga bagong hinirang na miyembro ng nasabing tanggapan.
Si Cardinal Tagle ay kasalukuyang nagsisilbi bilang Pro-Prefect ng Dicastery for Evangelization, habang si Bishop Maralit ay obispo ng Diyosesis ng San Pablo.
Ayon kay San Pablo City Mayor Najie B. Gapangada, ang kanilang pagkakatalaga ay itinuturing na pagkilala sa ambag ng mga Pilipinong lider ng Simbahang Katoliko sa pandaigdigang larangan ng komunikasyon at ebanghelisasyon. (Rolly Inciong, CIO)


Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course