2024 CBMS Maagang Natapos Sa Alaminos

 2024 CBMS Maagang Natapos Sa Alaminos


Pormal na ipinagkatiwala kamakailan ni Chief Statistical Specialist Elvin D. Arasula,  hepe ng Philippine Statistics Authority-Laguna Provincial Office, kay Alkalde Ericson R. Lopez ang katipunan ng mga datus at impormasyon na bunga ng isinagawang 2024 Community Based Monitoring System (CBMS) sa Bayan ng Alaminos. Ayon kay Chief Arasula, ito ang kaunaunahang “turnover ceremony” sa buong Lalawigan ng Laguna dahil sa ang liderato ng munisipyo sa pangunguna ng punumbayan at ng Sangguniang Bayan ay maayos na nakipagtulungan sa ikapagtatagumpay sa inisyatibo ng PSA, sapagkat kanilang nauunawaan na ang mga matitipong datus at impormsyon ay makatutulong ng malaki sa isang local government unit o LGU  sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga palatuntunang pangkaunlaran, lalo na sa paghango sa marami sa kahirapan ng pamumuhay, at sa pagpapaunlad ng kabuhayan sa pamayanan. (Ruben E. Taningco/Photo: PSA-Laguna)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course