MOHIKAP LAKE, IDINEKLARA PARA SA WATER SPORTS AT RECREATION
MOHIKAP LAKE, IDINEKLARA PARA SA WATER SPORTS AT RECREATION
San Pablo City-Idineklara ng Sangguniang Panlungsod ng San Pablo ang Mohikap Lake bilang opisyal na Water Sports and Recreational Sanctuary ng lungsod sa pamamagitan ng Ordinansa Blg. 10, S. 2025.
Ang hakbang na ito ay alinsunod sa Proclamation No. 699 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na naglalayong gawing pangunahing destinasyon ng paddling ang Pilipinas at hikayatin ang mga komunidad na yakapin ang paddling bilang isport at libangan.
Bilang isa sa mga lungsod na nagtataglay ng pitong crater lakes, kinikilala ng San Pablo City ang natatanging potensyal ng Mohikap Lake para sa water sports at rekreasyon. Sa ilalim ng ordinansa, ang mga aktibidad tulad ng kayaking, paddle boarding, at rowing ay magiging pangunahing gawaing maaaring isagawa sa lawa.
Ang mga residenteng nakatira sa paligid ng lawa ay bibigyan ng priyoridad o ooportunidad sa hanapbuhay sa pamamagitan ng turismo at community enterprise. Magkakaroon din ng tourism fee na dalawampung piso (P20.00) para sa bawat bisita sa Mohicap Lake.
Ipinagbabawal ng ordinansa ang pagtatapon ng basura sa lawa, paggamit ng motorized boats na gumagamit ng gasolina o kerosene, at pagpasok ng non-biodegradable na materyales. Ang mga lalabag ay maaaring mag multa mula P1,000 hanggang P5,000 depende sa bilang ng pagkakasala.
Ang City Tourism Office, City Environment and Natural Resources Office, at Sports Development Office ang mangunguna sa pagpapatupad ng ordinansa.
Pinasalamatan ni Mayor Najie B. Gapangada ang Sangguniang Panglunsod para sa nasabing ordinansa. Kanyang binihgyang diin na ito ay naaayon sa kanyang mithiin na maging world class tourism destination ang San Pablo. (Sheena Banatlao at Lyra Kate Bunyi, DLSP Interns, CIO)
Comments
Post a Comment