NASUNUGAN SA UNSON, TINULUNGAN NG PCCI-SAN PABLO CITY
NASUNUGAN SA UNSON, TINULUNGAN NG PCCI-SAN PABLO CITY
Nang matapos ang sunog sa may kahabaan ng Unson Street sa Barangay II-C, San Pablo City, noong magtatanghaling tapat noong araw ng Linggo, Marso 29, kung saan iniulat ni Punong Barangay Josefino E. Manicad Jr. na 14 na bahay na pinanahanan ng may kabuuang 67 katao ang natupok, at isa pang buhay ang nasawi, sa inisyatibo ni President Bernard G. Deriquito, ang San Pablo Chamber of Commerce and Industry, Inc. ay nagpaabot ng tulong na pagkain at iba pang mga pangunahing pangangailangan ng isang sambahayan, na inihatid sa pangunguna ni Executive Vice President Enrique “Ricky” S. Tan, bilang chairman ng Public Relations Committee, sa Barangay Hall ng Barangay II-C noong Miyerkoles ng umaga, Abril 1, na ang lahat ay tinanggap na may pagpapahalaga at pasasalamat ng Pangasiwaang Barangay na kinatawan nina Barangay Kagawad Michael P. Espinosa at Barangay Secretary Aira Czarina Laine D. Benedictos. (Ruben E. Taningco)
.jpg)
Comments
Post a Comment