SIKAPING MAPAGTAPOS ANG ANAK NG KURSO SA KOLEHIYO

 SIKAPING MAPAGTAPOS ANG ANAK  NG KURSO SA KOLEHIYO


Nang si Vice Mayor Justin G. Colago ay maging panauhing tagapagsalita sa unang araw ng San Pablo City Day Care Centers Moving Up Ceremony noong nakaraang araw ng Sabado, Marso 21, 2026, na ginanap sa Atrium ng SM City San Pablo, ay kaniyang pinaalalahanan ang mga magulang ng mga batang “learners” na ang kanilang anak ay gabayang bumalangkas ng pangarap na makatapos ng pag-aaral hanggang sa kolehiyo upang matiyak na ang kanilang bukas ay magiging matatag. Sa Lungsod ng San Pablo ay may nakatatag na Day Care Center sa 80 barangay sa ilalim ng pangangasiwa ni City Social Welfare and Development Officer Marilyn S. Escondo na ang pangunahing layunin ay ang mga bata  na sa kanilang murang gulang pa lamang ay makintalan ng mga pangunahing kamalayan at kasanayan tungo sa pormal na  pag-aaral upang sila ay  “makabalangkas  ng isang pangarap na gagabay upang sila ay magkaroon ng matatag na bukas.” At ang Pamahalaang Lungsod naman ay nagtayo ng sariling Pamantasan upang makatulong na ang mga anak ng mga taga-lungsod ay matamo ang pangarap sa  pag-aaral. (Ruben E. Taningco) 

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course