ENVIRONMENTAL SUMMIT ISINAGAWA SA SANTA ROSA CITY
ENVIRONMENTAL SUMMIT ISINAGAWA SA SANTA ROSA CITY:Isinagawa ang Environmental Summit 2026 sa City of Santa Rosa Multi-Purpose Complex noong nakaraang Abril 22, 2026, kasabay ng pagdiriwang ng Earth Day. Ang summit ngayong taon ay aktibong nilahukan ng mga estudyante at school administrators mula sa iba't ibang paaralan sa lungsod. Sa kanilang pakikibahagi, ipinakita ang mahalagang papel ng kabataan at ng sektor ng edukasyon sa pagpapalaganap ng kaalaman, disiplina, at wastong gawain tungo sa pangangalaga ng ating kalikasan.Layunin ng Environmental Summit na palakasin ang kamalayan at hikayatin ang mas aktibong pakikiisa ng bawat mamamayan sa mga programang pangkalikasan. CIO Reymar

Comments
Post a Comment