G-Wellness Community Program
G-Wellness Community Program
Dinaluhan ng apatnapu’t anim (46) na Barangay Nutrition Scholars mula sa iba’t ibang barangay ng Lungsod and isinagawang G-Wellness Community Program sa pangangasiwa ng City Nutrition Office katuwang ang Nutrition and Wellness Team ng Gardenia Bakeries Philippines Inc, Abril 21, 2026.
Layunin ng programa na palakasin ang kaalaman ng mga nagsidalo sa wastong nutrisyon at malusog na pamumuhay sa pamamagitan ng lektura hinggil sa tamang pagbabasa ng nutrition labels at maayos na paghahanda ng pagkain.
Patuloy ang matibay na suporta ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni Mayor Atty Arth Jhun Aguilar Marasigan, Vice Mayor Cathy Jaurigue-Perez, at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, sa mga programang pangkalusugan at pangkaunlaran para sa bawat Tomasino.

Comments
Post a Comment