JobStart Program

 JobStart Program


Sto. Tomas City-Nagsimula na ang JobStart Program noong Abril 13, 2026, kung saan 55 Tomasinong benepisyaryo ang napiling makilahok para sa isang mahalagang hakbang sa paghuhubog ng handa at kompetitibong lakas-paggawa.

Ang programang ito ay isang training-to-employment na naglalayong ihanda ang mga kabataan at first-time jobseekers sa mas makabago at epektibong paraan ng pagpasok sa mundo ng trabaho. 

Sa ilalim ng programa, sasailalim ang mga kalahok sa sampung (10) araw na soft skills training na pangungunahan ng Public Employment Service Office (PESO), bago tumuloy sa technical training at internship sa iba’t ibang kumpanya bilang paghahanda sa angkop at pangmatagalang hanapbuhay.

Ang JobStart ay isang inisyatiba ng Department of Labor and Employment, katuwang ang LGU-PESO at mga partner mula sa pribadong sektor, na naglalayong tulungan ang mga kabataan na magkaroon ng sapat na kaalaman, kasanayan, at kumpiyansa sa kanilang career journey.

Ang matagumpay na pagpapatupad ng programang ito ay patunay ng patuloy na suporta ng pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor Atty Arth Jhun Aguilar Marasigan (AJAM), kaagapay si Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa pagsusulong ng mga programang tunay na nagbubukas ng oportunidad para sa bawat Tomasino.


Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course