MAGBABALIK NA ANG LIBRENG COMMUNITY SHUTTLE
MAGBABALIK NA ANG LIBRENG COMMUNITY SHUTTLE :Pinangunahan ni Mayor Arlene B. Arcillas, kasama ang mga kinatawan ng Toyota Motor Philippines at Toyota Mobility Solutions, ang relaunching ng Libreng Book and Ride Community Shuttle ngayong Abril 27, 2026. Ang muling pagbabalik ng serbisyong ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa na magbigay ng mas ligtas, maayos, at makabagong transportasyon para sa ating mga mamamayan. Muli itong magsisilbi sa iba't ibang bahagi ng lungsod at opisyal na magbubukas sa publiko ngayong linggo, upang higit pang mapadali ang pagbiyahe ng ating mga kababayan araw-araw. Maghintay lamang sa mga susunod na anunsiyo para sa kumpletong detalye ng mga ruta, iskedyul, at iba pang mahalagang impormasyon.( CIO Reymar)

Comments
Post a Comment