MAS PINALALAKAS ANG RENEWABLE ENERGY PARA SA MAS MURANG KURYENTE

 




MAS PINALALAKAS ANG RENEWABLE ENERGY PARA SA MAS MURANG KURYENTE : Ngayong linggo, naghain si Cong. Ann Matibag ng House Bill 9018 na naglalayong i-modernize ang renewable energy framework ng bansa upang makamit ang mas mura, maaasahan, at sustainable na suplay ng kuryente. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kompetisyon, pagpaparami ng investors, at pagpapabilis ng mga proyekto, inaasahang dadami ang supply ng enerhiya, na magreresulta sa mas mababang singil sa kuryente para sa bawat Pilipino. Isinusulong din ng panukala ang mas matatag at malinis na energy system na hindi nakaasa sa imported fuel, kundi sa sariling likas-yaman ng bansa.(Report mula sa FB Account ni Cong..Ann Matibag)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course