Pagtutulungan at Pagmamahal, Nangingibabaw sa Pagsanjan Bangkero Festival 2026
Pagtutulungan at Pagmamahal, Nangingibabaw sa Pagsanjan Bangkero Festival 2026
Pagsanjan, Laguna– Taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot ni Vice Mayor Cocoy Fernandez sa mga bangkero at sa buong pamunuan nito dahil matagumpay na naidaos ang Bangkero Festival 2026.
Binigyang-diin ni Vice Mayor Cocoy sa kanyang mensahe ang taos-pusong pasasalamat kay Mayor Januario "Jan" Garcia dahil sa kanyang inisyatibo na maituloy ang nasabing pagdiriwang.
"Kahit one day lang at limitado ang pondo, pinahalagahan pa rin ng pamahalaang bayan na maidaos ito upang maipakita ang pagmamahal at suporta sa ating mga minamahal na bangkero," ani pa ni VM Cocoy.
Tiniyak din ni VM Cocoy na ang "Tambalang Garcia-Fernandez" kasama ang buong Sangguniang Bayan ay mananatiling matatag sa pagbibigay ng serbisyo.
"Asahan niyo po ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng pag-asa at pagmamahal sa ating bayan. Ang nagkakaisang pamahalaang bayan ng Pagsanjan ay laging handang magsilbi," dagdag pa nito.
Nagtapos ang mensahe ni VM Fernandez sa masiglang panawagan: "Mabuhay po ang bayan ng Pagsanjan! We Heart and We Love Pagsanjan!"(Report ni Mhadz Marasigan)

Comments
Post a Comment