Blessing and Inauguration ng Bagong Multi-Purpose Building ng Brgy. Dayap
Blessing and Inauguration ng Bagong Multi-Purpose Building ng Brgy. Dayap
Calauan, Laguna – Matagumpay na isinagawa noong ika-8 ng Hunyo 2026 ang Blessing and Inauguration sa bagong itinayong Multi-Purpose Building ng Barangay Dayap.
Ang proyektong ito ay isinakatuparan sa pamumuno ni Barangay Chairman Domingo F. Audije at ng buong Sangguniang Barangay ng Dayap, sa tulong at suporta ni Congressman Loreto “Amben” S. Amante.
Dumalo rin at nagpaabot ng kanilang suporta sina Mayor Roseller Caratihan, Vice Mayor Allan Jun “Dong” Sanchez, at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Calauan.
Ang nasabing gusali ay magsisilbing sentro ng pagpupulong, pagtitipon, at iba pang gawain ng mga residente, bilang bahagi ng layuning makabuo ng mas maunlad, maayos, at nagkakaisang komunida. (Mhadz/Report mula sa Congressman Amante FB Page)

Comments
Post a Comment