BM Bernadeth Olivares Ipinaliwanag ang Pagpahintulot sa Negosasyon para sa Hihiraming Pondo ng Laguna Mega Clinic
BM Bernadeth Olivares Ipinaliwanag ang Pagpahintulot sa Negosasyon para sa Hihiraming Pondo ng Laguna Mega Clinic
Santa Cruz, Laguna — Ipinaliwanag ni Laguna First District Board Member Bernadeth Olivares ang naging pag-apruba ng Sangguniang Panlalawigan ng Laguna na pahintulutan si Governor Sol Aragones na makipagnegosasyon para sa hihiraming pondo na gagamitin sa pagpapatayo ng Laguna Mega Clinic.
Ayon kay BM Olivares, napapanahon ang pagtatayo ng naturang pasilidad upang makatulong sa pagde-decongest ng mga district hospital at maging ng mga ospital na pinamamahalaan ng pamahalaang panlalawigan.
Binigyang-diin din niya na ang Laguna Mega Clinic ay inaasahang magpapalawak ng serbisyong medikal para sa mga mamamayan ng lalawigan at makatutugon sa lumalaking pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan.
Ipinaunawa rin ni BM Olivares kung bakit napiling itayo ang proyekto sa loob ng Santa Cruz Sports Complex. Aniya, mayroon nang lupang paglalagyan ng gusali kaya hindi na kinakailangang gumastos pa ang pamahalaang panlalawigan para sa pagbili ng karagdagang lupa.
Para sa karagdagang detalye, panoorin ang panayam kay Laguna First District Board Member Bernadeth Olivares.
Comments
Post a Comment