MTRCB Pinalalakas ang Kampanya para sa Ligtas na Panonood ng mga Bata sa Digital Age

MTRCB Pinalalakas ang Kampanya para sa Ligtas na Panonood ng mga Bata sa Digital Age

Santa Rosa City (June 24, 2026)-Binigyang-diin ni MTRCB Chairperson Lala Sotto ang kahalagahan ng aktibong paggabay ng mga magulang at tagapag-alaga sa mga batang gumagamit ng digital platforms sa isinagawang PROTECT Program ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Sotto na layunin ng PROTECT Program na maabot ang iba't ibang komunidad sa bansa upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga magulang at supervising adults hinggil sa ligtas at responsableng paggamit ng media ng mga bata.

Ayon kay Sotto, dahil sa mabilis na paglipat ng content consumption sa online streaming platforms at social media, mas mahalaga ngayon ang gabay ng mga magulang upang maprotektahan ang mga kabataan laban sa mga materyal na hindi naaangkop sa kanilang edad.

"Ang layunin ng MTRCB ay protektahan ang bawat miyembro ng pamilyang Pilipino, lalo na ang ating mga anak, mula sa mga content na maaaring makasama sa kanilang pag-unlad at kapakanan," ani Sotto.

Bahagi ng programa ang pagpapaliwanag ng mga opisyal ng MTRCB tungkol sa parental control features, mga umiiral na safeguards, rating classifications ng ahensya, at iba pang paraan upang masubaybayan at magabayan ng mga magulang ang viewing habits ng kanilang mga anak.

Binanggit din ni Sotto ang mga kamakailang insidente na kinasasangkutan ng mga kabataan bilang paalala sa kahalagahan ng responsableng paggamit ng media at teknolohiya. Aniya, sa panahon ngayon kung saan madaling ma-access ng mga bata ang iba't ibang uri ng content sa kanilang mga device, kinakailangan ang masusing paggabay at pakikilahok ng mga magulang.

Umaasa ang MTRCB na sa pamamagitan ng PROTECT Program ay mas mapapalawak ang kamalayan ng publiko hinggil sa media literacy at child online protection, habang pinatitibay ang papel ng pamilya bilang pangunahing tagapangalaga ng kapakanan ng mga bata sa digital age.

Nagpasalamat naman si Sotto sa lahat ng mga kalahok at katuwang ng programa, at hinikayat ang publiko na patuloy na makiisa sa pagsusulong ng ligtas, responsable, at angkop na media environment para sa mga kabataang Pilipino.(Mhadz)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course