Paggunita Ng Araw Ng Kalayaan Sa Alaminos
Paggunita Ng Araw Ng Kalayaan Sa Alaminos
Alaminos, Laguna-Pinangunahan ni Alkalde Ericson R. Lopes ang palatuntunan sa paggunita sa Ika-128 Anibersaryo ng Pagkapagpahayag ng Kalayaan ng Bansa sa Alaminos na ginanap sa harapan ng Bantayog ni Dr. Jose P. Rizal sa Liwasang Bayan na dinaluhan ng lahat ng pinunong bayan, mga pinuno at kawani ng iba’t ibang tanggapan o ahensya ng pangasiwaang lokal, at mga kasapi ng iba’t ibang civil society organization (CSO) sa bayang ito, na salig sa kaisipang “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan,” ay sinariwa ng punumbayan ang mga ipinakitang katapangan, sakripisyo, at ganap na pagkakaisa ng mga tunay na may malasakit sa kapanatagan ng bansa noon upang makamit ang Kalayaan o Freedom na tinatamasa ng Pilipinas sa kasalukuyan. Ipinaalaala niya ito upang hikayatin ang lahat na ang ating kasaysayan ay patuloy na pahalagahan, at taas-noong ipagmalaki ang ating pagka-Pilipino. (Ruben E. Taningco/Photo: BFP-Alaminos)

Comments
Post a Comment