SIMULTANEOUS CLEAN-UP DRIVE 2026, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA SA BAYAN NG PAGSANJAN
SIMULTANEOUS CLEAN-UP DRIVE 2026, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA SA BAYAN NG PAGSANJAN
Pagsanjan, Laguna-Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Philippine Environment Month at paggunita sa ika-165 na kaarawan ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose P. Rizal, matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Pagsanjan ang Simultaneous Clean-Up Drive 2026 bilang pagpapakita ng pagkakaisa at malasakit para sa pangangalaga ng kalikasan.
Pinangunahan nina Municipal Mayor Januario “Jan” Garcia, Municipal Vice Mayor Rod Hernandez katuwang ang g iba't ibang sektor ng komunidad, ang sabayang paglilinis sa iba't ibang lugar sa bayan.
Nakiisa sa nasabing gawain ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga Department Heads, Association of Pagsanjan Municipal Employees (APME), Climate Change Group–Pagsanjan, Barangay Nutrition Scholars (BNS), Barangay Health Workers (BHW), at ang lahat ng 16 na barangay ng Pagsanjan.
Ipinakita ng sama-samang pagkilos ng mga mamamayan at ng lokal na pamahalaan ang kanilang dedikasyon sa pagpapanatili ng isang ligtas, malinis, at luntiang kapaligiran. Ang bawat pagwawalis, pagpupulot ng basura, at paglilinis ng paligid ay nagsisilbing mahalagang hakbang tungo sa paglikha ng isang mas maayos at mas malusog na komunidad.
Higit pa sa isang simpleng gawain, ang Simultaneous Clean-Up Drive ay sumasalamin sa diwa ng bayanihan at makabagong kabayanihan, kung saan ang maliliit ngunit makabuluhang hakbang ay nagiging daan tungo sa tunay na pagbabago.
Sa temang “Makabagong Kabayanihan: Sama-samang Aksyon para sa Ligtas na Kapaligiran,” patuloy na pinatutunayan ng Pamahalaang Bayan ng Pagsanjan at ng mga mamamayan nito na ang pagkakaisa at malasakit sa kalikasan ay mahalagang pundasyon ng isang mas maunlad at matatag na pamayanan.(Mhadz Marasigan/Ulat mula sa Pagsanjan MENRO)



Comments
Post a Comment