Libu-libong School Bags at School Supplies, Ipinamahagi sa mga Mag-aaral ng Pagsanjan, Laguna

 Libu-libong School Bags at School Supplies, Ipinamahagi sa mga Mag-aaral ng Pagsanjan, Laguna



Pagsanjan, Laguna — Bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa edukasyon, namahagi ang pamahalaang bayan ng mga school bags at school supplies sa mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa iba't ibang pampublikong paaralan sa bayan noong Hunyo 29, 2026.
Pinangunahan ang pamamahagi nina Mayor Jan Garcia at Vice Mayor  Cocoy Fernandez, kasama Konsehal Nat Bernales, Kon. Melvin Madriaga, Kon. Ronnie Leron, Kon. Noel Cabela, Kon. Vince Gonzales, ABC Pres. Noogine Pabilionia, at SK Pres. Patrivia Abaquin
Ayon kay Mayor Jan, layunin ng programa na mabigyan ng sapat na kagamitan ang mga batang mag-aaral upang maging handa at mas inspirado sa kanilang pag-aaral sa pagbubukas ng panibagong taon ng klase.
Patuloy na isinusulong ni Mayor Garcia ang mga programang nakatuon sa edukasyon bilang bahagi ng kanyang adbokasiya na matiyak na walang batang Pagsanjeño ang mapag-iiwanan sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.
Kabilang sa mga paaralang nakatanggap ng school bags at school supplies ang Cesar Lanuza Elementary School, Maulawin Elementary School, San Isidro Elementary School, at Jose A. Gallardo Sr. Elementary School.
Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng programang "Pusong PagsanJAN", na nagsusulong ng inklusibong serbisyo publiko at pantay na oportunidad para sa lahat ng mamamayan ng bayan.
“Walang maiiwan, walang pinipili, lahat ay kasama, bawat Pagsanjeño ay paglilingkuran,” pahayag ni Mayor Garcia
Binigyang-diin din ng mga opisyal ang kanilang mensahe para sa kabataan: “Kabatang Pagsanjeño, deserve ninyo ang isang pamahalaang mapagkalinga, may malasakit, at higit sa lahat, may puso.”#









Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course