Local Pension, Ipinamahagi sa mga Kwalipikadong Senior Citizens sa Santa Rosa

 Local Pension, Ipinamahagi sa mga Kwalipikadong Senior Citizens sa Santa Rosa


Santa Rosa City, Laguna – Sa pangunguna nina City Mayor Arlene B. Arcillas at Vice Mayor Arnold B. Arcillas, pormal nang sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa, sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at Senior Citizens Affairs Office (SCAO), ang pamamahagi ng Local Pension para sa mga senior citizen na matagumpay na nakapag-update ng kanilang records noong 2025.
Sa isinagawang payout noong nakaraang Hulyo 7, 2026, tumanggap ang bawat kwalipikadong benepisyaryo ng 3,000 bilang lokal na pensiyon upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na gastusin at iba pang pangunahing pangangailangan.
Ayon sa pamahalaang lungsod, bahagi ang programang ito ng patuloy na pagsisikap na mapalakas ang kapakanan at mabigyan ng mas maayos na suporta ang mga nakatatandang mamamayan bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa komunidad.
Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa, sa pamumuno nina Mayor Arlene Arcillas at Vice Mayor Arnold Arcillas, ang mga programang naglalayong mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga senior citizen sa lungsod.(Mhadz Marasigan/Report mula sa CIO-Santa Rosa)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course