Maliwat Beauty Lounge, tampok ang malawak na serbisyong aesthetic at wellness
Maliwat Beauty Lounge, tampok ang malawak na serbisyong aesthetic at wellness
SantaCruz, Laguna – Patuloy na pinalalawak ng Maliwat Beauty Lounge ang kanilang mga aesthetic at wellness services upang matugunan ang iba't ibang pangangailangan ng mga kliyenteng nais mapanatili ang kalusugan at kagandahan ng kanilang balat.
Sa panayam, sinabi ni Maida Maliwat, may-ari ng Maliwat Beauty Lounge, na bawat kliyente ay sumasailalim muna sa skin analysis gamit ang skin analyzer upang matukoy ang angkop na treatment batay sa uri at kondisyon ng kanilang balat.
Kabilang sa kanilang mga facial treatments ang Socialite Signature Facial, Socialite Whitening Facial, Socialite Collagen Facial, Socialite 24K Gold Facial, Socialite Anti-Acne Facial, Diamond Peel Facial, Vampire Facial, Korean Glass Skin Facial, Hydra Facial at BB Glow. Ayon kay Maliwat, karamihan sa mga facial procedure ay hindi gumagamit ng karayom, maliban sa mga espesyal na treatment tulad ng microneedling na may exosomes at skin boosters.
Bukod dito, nag-aalok din ang beauty lounge ng iba't ibang makabagong aesthetic procedures gaya ng 12D HIFU Ulthera, Carbon Black Doll Face and Body, NCTF Face and Neck treatment, CO2 Fractional Laser, diode laser hair removal, laser tattoo removal, melasma removal, scar removal, at cautery para sa warts, milia at syringoma.
Mayroon din silang mga slimming at body contouring services tulad ng Exilis para sa braso at binti, Emsculpt para sa tiyan, braso, puwitan at binti, Meso Lipo, Meso V-Line, Botox, Jawtox, Sweatox, Platelet Rich Plasma (PRP), hair loss treatment at iba pang wellness procedures.
Sa wellness services naman, iniaalok ng Maliwat Beauty Lounge ang iba't ibang intravenous vitamin drips kabilang ang Celebrity Gluta Drip, Luxurious Gluta Drip, Premium Gluta Drip, Pink Gluta Drip, Anti-Acne Drip, Anti-Aging Drip, Slimming Drip, Melasma Drip at NAD+ Drip. Ayon kay Maliwat, ang mga ito ay isinasagawa sa ilalim ng pangangasiwa ng mga registered nurse at doktor.
Ipinakilala rin niya ang kanilang food supplement na Genki, na ayon sa kanya ay FDA-approved at naglalaman ng S-Acetyl Glutathione, iba't ibang bitamina at oral sunblock. Aniya, available na ito sa Shopee at inaasahan ding mailalabas sa iba pang online platforms.
Samantala, available na rin sa beauty lounge ang kombucha bilang refreshment sa kanilang mga kliyente. Ang naturang probiotic drink ay sariling formulation ng anak ni Maliwat at kasalukuyan pang nasa proseso ng pagkuha ng FDA approval bago ilabas sa merkado.
Nag-aalok din ang Maliwat Beauty Lounge ng mga Korean skincare products para sa maintenance ng balat matapos ang treatment, kabilang ang mga produktong para sa acne at melasma.
Ayon kay Maliwat, patuloy nilang pinauunlad ang kanilang mga serbisyo at pasilidad upang makapagbigay ng dekalidad na aesthetic at wellness experience sa kanilang mga kliyente.
Nagpasalamat din siya sa patuloy na suporta ng kanilang mga kliyente at ng media na aniya'y naging malaking bahagi upang mas makilala ang kanilang beauty lounge. Ipinahayag din niya ang kanyang suporta sa mga programang pangkalusugan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna sa pangunguna ni Governor Sol Aragones, na aniya'y kaakibat ng kanilang adbokasiya sa pagsusulong ng kalusugan at wellness ng mga Lagunense.
Comments
Post a Comment