People's Day ni Cong. Amben Amante, Nagsisilbing Tulay sa Mamamayan ng Ikatlong Distrito
People's Day ni Cong. Amben Amante, Nagsisilbing Tulay sa Mamamayan ng Ikatlong Distrito
San Pablo City, Laguna — Patuloy na isinusulong ni Laguna Third District Representative Loreto "Amben" Amante ang programang People's Day bilang isang bukas na pagkakataon para sa mga mamamayan ng Ikatlong Distrito na maiparating ang kanilang mga hinaing, saloobin, at mga pangangailangan.
Layunin ng People's Day na magsilbing tulay sa pagitan ng tanggapan ng kongresista at ng mga nasasakupang mamamayan upang matiyak na ang kanilang mga usapin ay agarang napapakinggan at nabibigyan ng kaukulang aksyon.
Katuwang ni Cong. Amben sa pagseserbisyo ang kanyang maybahay, si Kapitana Madette Amante, na personal ding umaalalay at nagbibigay ng mainit na pagtanggap sa mga kababayang dumudulog sa tanggapan.
Upang higit na mailapit ang serbisyo sa publiko, may mga satellite office ang tanggapan ng kongresista na matatagpuan sa San Pablo City, Nagcarlan, at Calauan. Sa pamamagitan ng mga ito, mas madali nang naaabot ng mga residente ng Ikatlong Distrito ang iba't ibang serbisyong inihahatid ng opisina ni Cong. Amante.
Patunay ang People's Day sa patuloy na hangarin ng tanggapan ni Cong. Amben Amante na maging bukas, accessible, at handang makinig sa bawat mamamayan ng Ikatlong Distrito ng Laguna.(Mhadz Marasigan)
Comments
Post a Comment