PNP Honorarium

 PNP Honorarium


Bilang pagkilala sa dedikasyon at tapat na paglilingkod ng mga kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod, ipinagkaloob ng Pamahalaang Lungsod ang honorarium sa 151 na miyembro ng Philippine National Police (PNP) noong Hulyo 14.

Ang halaga ng matatanggap ng bawat benepisyaryo ay nakabatay sa kanilang haba ng panunungkulan (length of service).

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng ipinangakong suporta ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan (AJAM) sa mga kapulisan bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa lungsod. 

Kasama rin sa patuloy na pagsuporta si Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez at ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, sa layuning mapalakas ang kapakanan ng mga lingkod-bayan at mapanatili ang mahusay na serbisyong publiko.


Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course