Susuportahan Ang Girl Scouting Movement
Susuportahan Ang Girl Scouting Movement
Nang makipagkita si Atty. Karen C. Agapay, Pangulo ng GSP-Laguna Council, kay Alkalde Vener P. Muñoz ng Bayan ng Rizal noong Lunes ng umaga, Hunyo 29, 2026, ay nabatid niya ang kahandaan ng punumbayan na suportahan ang Girl Scouting Movement, hindi lamang sa sakop ng Bayan ng Rizal, kundi maging sa iba pang munisipyo bilang Pangulo ng League of Municipalities of Laguna. Ayon umano sa punumbayan, napapanahon na mahikayat ang mga kabataan babae sa paaralan na lumahok sa kilusan upang sila ay magabayan sa pagkakaroon ng tamang pagpapahalaga sa sarili upang sila ay maging mga mabubuting anak, at mga mabubuting kagawad ng pamayanan. (Ruben E. Taningco)

Comments
Post a Comment