Tiniyak ni Acting Mayor Justin Colago ang Walang Patid na Paglilingkod sa mga San Pableño

Tiniyak ni Acting Mayor Justin Colago ang Walang Patid na Paglilingkod sa mga San Pableño



San Pablo City-Nanatiling hands-on si San Pablo City Acting Mayor Justin Colago sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa mga mamamayan, kasabay ng kanyang pagtitiyak na hindi maaantala ang mga programang kailangan ng bawat San Pableño.

Ayon kay Colago, bukas ang kanyang tanggapan para sa mga residenteng nangangailangan ng tulong, may mga hinaing, o nais na personal na makipagpulong at magbahagi ng kanilang mga saloobin. Aniya, mahalagang mapanatiling bukas ang komunikasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng mga mamamayan upang mas maging maagap ang pagtugon sa kanilang mga pangangailangan.

Binigyang-diin din ng acting mayor na patuloy niyang palalawigin ang pagtulong sa mga San Pablenyo at sisikaping maihatid ang mga serbisyong nararapat sa kanila. Tiniyak niyang walang oras ang masasayang sa kanyang panunungkulan at nakatuon siya sa pagtatrabaho upang maisulong ang kapakanan at kapakanan ng bawat residente ng lungsod.

Patuloy namang hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang mga mamamayan na makipag-ugnayan sa lokal na tanggapan upang maipaabot ang kanilang mga pangangailangan at mapabilis ang pagbibigay ng kaukulang serbisyo.

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course