Women’s Health and Wellness Ordinance, Naipasa na sa Sangguniang Panlungsod ng San Pablo

Women’s Health and Wellness Ordinance, Naipasa na sa Sangguniang Panlungsod ng San Pablo


San Pablo City, Laguna — Isang makabuluhang hakbang para sa kalusugan at kapakanan ng mga babaeng San Pableña ang naisakatuparan matapos maipasa ang Women’s Health and Wellness Program Ordinance sa 52nd Regular Session ng Sangguniang Panlungsod noong July 6, 2026.

Ang ordinansa, na inakda ni City Councilor Carmela Acebedo, ay naglalayong magtatag ng mas komprehensibo, maagap, at makataong programa para sa pangangalaga ng kalusugan ng kababaihan sa iba’t ibang yugto ng kanilang buhay.

Binigyang-diin ni Councilor Acebedo na ang Women’s Health and Wellness Program Ordinance ay nakatuon sa pagpapalawak ng access ng kababaihan sa mahahalagang serbisyong pangkalusugan, kabilang ang preventive health services, cancer awareness at screening programs, reproductive health services, maternal mental health support, at mga inisyatiba para sa healthy aging.

“Ang kalusugan ng kababaihan ay hindi lamang usapin ng personal na kapakanan, kundi mahalagang pundasyon ng matatag na pamilya at maunlad na komunidad. Sa pamamagitan ng ordinansang ito, nais nating masiguro na ang bawat babaeng San Pableña ay mabibigyan ng serbisyong pangkalusugan na naaayon sa kanilang pangangailangan,” ani Councilor Acebedo.

Nagpasalamat din ang konsehal sa kanyang mga kasamahan sa Sangguniang Panlungsod sa kanilang suporta at pakikiisa upang maisulong at maisabatas ang mahalagang panukalang ito.

Layunin ng nasabing ordinansa na patuloy na isulong ang mga programang nagbibigay halaga sa kalusugan, dignidad, at kapakanan ng bawat babae—mula sa mga ina, anak, kapatid, hanggang sa lahat ng kababaihang bahagi ng komunidad ng San Pablo City.

Sa pagpapatupad ng Women’s Health and Wellness Program, inaasahang mas mapapalakas ang mga hakbangin ng lungsod tungo sa isang mas inklusibo at health-conscious na pamayanan kung saan ang bawat babaeng San Pableña ay may access sa nararapat na pangangalaga at suporta. (Mhadz/ report mula sa FB Account ni Councilor Carmela Acebedo) 

#SanPabloCityLaguna #SanPablo #Laguna #womenshealth #WomensMonth #healthandwellness

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course