HEROW SANTOS, PATULOY ANG PAGLILINGKOD SA KABATAAN NG BRGY. SAN FRANCISCO-CALIHAN
HEROW SANTOS, PATULOY ANG PAGLILINGKOD SA KABATAAN NG BRGY. SAN FRANCISCO-CALIHAN
San Pablo City — Patuloy na isinusulong ng youth leader na si Herow Santos ang iba't ibang programa at aktibidad para sa kapakanan at pag-unlad ng mga kabataan sa Barangay San Francisco-Calihan, San Pablo City.
Sa pamamagitan ng mga programang pangkabataan, layunin ni Santos na makatulong sa mga kabataang nangangailangan, mahikayat silang makilahok sa mga positibong gawain, at mailayo sila sa masasamang bisyo at gawain.
Kabilang sa mga programang kanyang isinagawa mula 2022 hanggang sa kasalukuyan ang libreng legal consultation, volleyball at basketball leagues, pagpapapinta ng basketball court, pamamahagi ng libreng laruan, gayundin ang pamimigay ng mga damit, sapatos at bags.
Isa rin sa kanyang patuloy na isinusulong ang taunang libreng programa para sa mga kabataan sa barangay.
Binigyang-diin din ni Santos ang kahalagahan ng pagtulong sa mga estudyanteng nahihirapang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral dahil sa kakulangan sa pinansyal na suporta.
Aniya, naging inspirasyon niya sa paglilingkod ang kanyang mga magulang, na sina Rowena at Pangulong Herwin Santos ng SPCVF (San Pablo City Volunteers Federation) na binubuo ng iba't ibang organisasyon sa San Pablo City.
Sa pagdiriwang naman ng kanyang kaarawan noong Agosto 14, pinili ni Santos na gawing pagkakataon ang kanyang espesyal na araw upang makapagbahagi sa kanyang mga kapwa kabataan at kabarangay sa halip na isang pansariling selebrasyon lamang.
Anito, sa loob ng dalawang araw ay nagkaroon sila ng food feeding at pamamahagi ng mga damit sa mga kabarangay.
Para kay Herow, ang tunay na liderato ay hindi lamang nasusukat sa posisyon kundi sa aktuwal na pagtulong at pagiging mabuting halimbawa sa kapwa.
Naniniwala siya na ang bawat kabataan ay may kakayahang maging isang “bayani” at maging bahagi ng pag-unlad ng kanilang barangay at ng buong komunidad. #
Comments
Post a Comment