PWD Livelihood Bazaar, inilunsad sa Santa Rosa bilang bahagi ng pagdiriwang ng 48th NDPR Week

 PWD Livelihood Bazaar, inilunsad sa Santa Rosa bilang bahagi ng pagdiriwang ng 48th NDPR Week


Santa Rosa City, Laguna – Opisyal na binuksan ni Santa Rosa City Mayor Arlene B. Arcillas ang PWD Livelihood Bazaar 2026 sa City Hall Building B Lobby bilang bahagi ng pagdiriwang ng 48th National Disability Rights (NDPR) Week noong nakaraang July 27, 2026.
Pinangunahan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ang naturang programa na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga persons with disabilities (PWDs) mula sa iba’t ibang barangay na maipakita at maibenta ang kanilang mga produktong sariling likha.



Ipinakita rin sa aktibidad ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa sa pagbibigay ng mga programang nagtataguyod ng inklusibong pag-unlad at pagkakapantay-pantay para sa sektor ng PWD.



Sa pamamagitan ng PWD Livelihood Bazaar, muling pinagtibay ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ni Mayor Arlene B. Arcillas, ang kanilang layunin na makalikha ng mas maraming oportunidad at mapalakas ang partisipasyon ng mga PWD sa pag-unlad ng lungsod.(Mhadz/CIO-Santa Rosa)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course