Tree planting activity, matagumpay na isinagawa sa Brgy. Anibong Campsite

 Tree planting activity, matagumpay na isinagawa sa Brgy. Anibong Campsite


Pagsanjan, Laguna — Matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Pagsanjan ang isang tree planting activity sa Brgy. Anibong Campsite noong nakaraang July 30, 2026 sa pangunguna ni Punongbayan Kgg. Januario Ferry “Jan” Garcia.
Nakiisa sa nasabing aktibidad ang Boy Scouts of the Philippines, Pagsanjan Water District, Laguna Lake Development Authority (LLDA), at Laguna Water bilang bahagi ng sama-samang adhikain na mapangalagaan ang kalikasan at maisulong ang pangangalaga sa kapaligiran.
Layunin ng programa na makatulong sa pagpapanumbalik ng luntiang kapaligiran sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno na magsisilbing ambag sa pangangalaga ng kalikasan at sa kapakinabangan ng mga susunod na henerasyon.
Ayon sa Pamahalaang Bayan, ang bawat punlang itinanim ay sumisimbolo sa pagkakaisa at malasakit ng komunidad para sa kalikasan. Ipinakita rin ng matagumpay na aktibidad ang kahalagahan ng pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsusulong ng mga programang pangkalikasan.
Nagpasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Pagsanjan sa lahat ng mga kalahok at katuwang na ahensya at organisasyon sa kanilang oras, suporta, at aktibong pakikiisa sa adhikaing mapanatili ang isang malinis, luntian, at ligtas na kapaligiran para sa lahat.(Mhadz/Report mula sa FB Account ni Mayor Januario “Jan” Garcia)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course