3RD QUARTERLY BOARD MEETING NG ASSOCIATION OF TOURISM OFFICERS NG REGION IV-A, ISINAGAWA SA LUNGSOD NG SAN PABLO
3RD QUARTERLY BOARD MEETING NG ASSOCIATION OF TOURISM OFFICERS NG REGION IV-A, ISINAGAWA SA LUNGSOD NG SAN PABLO
San Pablo City-Isinagawa sa Lungsod ng San Pablo ang 3rd Quarterly Board Meeting ng Association of Tourism Officers of Region IV-A (ATORA), na dinaluhan ng mga Tourism Officers mula sa iba’t ibang lalawigan ng CALABARZON nuong Setyembre 10-11, 2026. Ang naturang pagpupulong ay inorganisa ng City Tourism Office sa pangunguna ni City Tourism Officer Maria Donnalyn Briñas na dinaluhan ni Acting Mayor Carmela A. Acebedo, kasama sina Konsehal Francis Calatraba, Ambo Amante, at Richard Pavico.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Acting Mayor Acebedo na ang turismo ay hindi lamang tungkol sa pagtataguyod ng mga destinasyon, kundi maging sa pagpapahalaga at pagpapanatili ng heritage, pagsuporta sa mga lokal na negosyo, at pagbibigay ng oportunidad sa mga mamamayan. Dagdag pa niya na mahalaga ang pagtutulungan ng mga Tourism Officers sa CALABARZON upang higit na maitaguyod at maipakilala ang mga natatanging kultura at destinasyon ng rehiyon sa buong Pilipinas at sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Kabilang sa mga aktibidad ng pagpupulong ang Explore San Pablo, kung saan isinagawa ang tour para sa mga Tourism Officers sa ilang pangunahing destinasyon ng lungsod, kabilang ang Pandin Lake, Verbena Gallery, San Pablo Cathedral, Farmer’s District, at Sampalok Lake.(CIO-San Pablo)
Comments
Post a Comment