AJAM People’s Hour

  AJAM People’s Hour


Sto.Tomas City-Kasalukuyang ginaganap ngayong Biyernes, September 11 ang AJAM People’s Hour  na personal na pinangungunahan ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan (AJAM) hanggang alas-11:30 ng umaga.
Mula sa iba’t ibang barangay at sektor, kinakausap ni Mayor AJAM ang mga kababayan nating nagnanais mailapit ang kanilang mga isyu o ideya, katuwang ang mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Sto. Tomas.
Layunin ng programang ito na mas mapabilis ang pagtugon ng pamahalaan at matiyak na ang boses ng bawat Tomasino ay tunay na naririnig at pinahahalagahan.
Ang Mayor AJAM’s People’s Hour ay regular na isinasagawa tuwing Biyernes, bilang bahagi ng adbokasiya ng lokal na pamahalaan para sa mas mabilis, bukas, at inklusibong pamumuno.(CIO-Sto.Tomas)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course