Alaminos may Bagong Municipal Fire Marshal
Alaminos may Bagong Municipal Fire Marshal
Ang Alaminos Fire Station ay may bagong hepe o Municipal Fire Marshal sa katauhan ni F/Insp. Sherwin N. Tendilla, kapalit ni F/Insp. Alenn O. Famisaran na nalipat sa Pangil Fire Station, na pinagmulan ni F/Insp. Tendilla.
Sa maikling pakikipanayam ng isang miyembro ng Seven Lakes Press Corps sa bagong Municipal Fire Marshal, napag-alaman na ang pangunahing gampanin ng isang Fire Station ay hindi lamang ang pagbabantay sa pamayanan upang kung may magaganap na sunog ay masugpo kaagad ito, para mailigtas ang buhay at ari-arian ng mga mamamayan, sapagkat sa mga panahong walang nagaganap na sunog, ang konsentrasyon ng mga gawain ng isang fire station ay ang pagtupad sa mga iniaatas ng Batas Republika Bilang 9514 o ang tinatawag na Revised Fire Code of the Philippines of 2008, tulad sa pagtulong ng Himpilan ng Pamatay-sunog sa Local Government Unit sa isinasagawang pagpoproseso at pagkakaloob ng mga Business Permit and License na kinakailangan ang inspection report ng BFP upang maaayos na naipatutupad sa sakop ng Bayan ng Alaminos ang mga tadhana ng batas.
Ayon pa rin kay F/Insp Tendilla isang pananagutan ng pamahalaan o ng estado na tiyakin ang kapanatagan at kaligtasan ng mga mamamayan laban sa sunog, na nakatutulong upang mapasigla ang mga palatuntunan sa pagpapaunlad at kalakalan na itinataguyod ng mga mamumuhunan sa isang munisipyo.
Comments
Post a Comment