π—Ÿπ—’π—–π—”π—Ÿπ—œπ—­π—˜π—— π—£π—˜π—”π—–π—˜ π—˜π—‘π—šπ—”π—šπ—˜π— π—˜π—‘π—§ 𝗔𝗑𝗗 π—œπ—§π—¦ 𝗧π—₯𝗔𝗑𝗦𝗙𝗒π—₯π— π—”π—§π—œπ—’π—‘ 𝗣π—₯π—’π—šπ—₯𝗔𝗠 𝗕π—₯π—œπ—˜π—™π—œπ—‘π—š, π—œπ——π—œπ—‘π—”π—’π—¦ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—”π—šπ—¨π—‘π—”!

π—Ÿπ—’π—–π—”π—Ÿπ—œπ—­π—˜π—— π—£π—˜π—”π—–π—˜ π—˜π—‘π—šπ—”π—šπ—˜π— π—˜π—‘π—§ 𝗔𝗑𝗗 π—œπ—§π—¦ 𝗧π—₯𝗔𝗑𝗦𝗙𝗒π—₯π— π—”π—§π—œπ—’π—‘ 𝗣π—₯π—’π—šπ—₯𝗔𝗠 𝗕π—₯π—œπ—˜π—™π—œπ—‘π—š, π—œπ——π—œπ—‘π—”π—’π—¦ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—”π—šπ—¨π—‘π—”!

Isinagawa ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconcilaition and Unity (OPAPRU) sa pakikipagtulungan sa Philippine Information Agency (PIA) Calabarzon ang Media and Information OBriefing on the Localized Peace Engagement (LPE) and its Transformation Efforts upang mabigyang-linaw at maipaabot sa mga lokal na mamamahayag at mga local information officers sa lalawigan ng Laguna ang mahahalagang update hinggil sa mga programa at hakbang ng pamahalaan sa pagsusulong ng pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa mga lokal na pamayanan noong nakaraang Martes, Setyembre 29.

Layunin ng aktibidad na mapalalim ang pag-unawa ng media at mga information officers sa Localized Peace Engagement (LPE), partikular sa papel nito sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na komunidad, lokal na pamahalaan, at iba pang stakeholders upang matugunan ang mga usaping may kaugnayan sa kapayapaan at seguridad.

Tinalakay rin ang Transformation Program ng pamahalaan, kabilang ang mga inisyatiba na naglalayong suportahan ang mga indibidwal at komunidad na sumasailalim sa proseso ng pagbabago tungo sa mas mapayapa, ligtas, at produktibong pamumuhay.

Binigyang-diin ni OPAPRU Communications and Public Affairs Services Director Darwin Wally Wee  sa briefing ang kahalagahan ng good governance at makabuluhang community engagement sa pagsusulong ng peacebuilding. Aniya, sa pamamagitan ng mas aktibong pakikilahok ng mga lokal na pamahalaan, komunidad, civil society organizations, at iba pang sektor, mas napapalakas ang pagtutulungan sa pagtukoy sa mga pangangailangan ng mga pamayanan at pagbuo ng mga solusyong angkop sa kanilang kalagayan.

Tinalakay rin sa pagtitipon ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at iba pang interbensyon at programa ng pamahalaan na naglalayong suportahan ang mga benepisyaryo sa kanilang pagbabalik at muling pag-angkop sa kanilang mga komunidad, kabilang ang pagbibigay ng kinakailangang tulong para sa kanilang kabuhayan, seguridad, at kapakanan. 

Nagpahayag naman ng buong suporta si PIA CALABARZON Regional Head Ma. Cristina Arzadon sa pagpapaigting ng kaalaman ng mga media at information officers upang maging aktibong kabahagi sa pagbibigay ng tama at napapanahong impormasyon sa publiko.(PIA-Laguna) 

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course