CARD Indogrosir, binuksan ang ika-100 na sangay sa Cavite

 CARD Indogrosir, binuksan ang ika-100 na sangay sa Cavite


Si CARD Indogrosir Executive Vice President Frederick Nicasio Torres (pinakagitna) sa pagbubukas ng ika-100sangay ng CARD Indogrosir sa Trece Martires, Cavite, habang binibigyang-diin ang kanilang patuloy na layuning makatulong sa pag-unlad ng mga lokal na microentrepreneur.

Binuksan ng CARD Indogrosir, ang grocery distributor ng CARD MRI, katuwang ang Salim Group ng Indonesia, ang ika-100 nitong sangay sa Trece Martires, Cavite noong Hulyo 31, 2026, upang pagsilbihan ang mga lokal na kabahayan at microentrepreneur.
Habang patuloy na dumarami ang mga komersyal na convenience store at shopping mart sa mga komunidad ng lungsod, estratehikong inilagay ng CARD Indogrosir ang ika-100 nitong sangay sa Trece Martires upang matulungan ang mga sari-sari store owners na manatiling kompetitibo. Sa pamamagitan ng mga wholesale products sa mas mababang presyo, inaasahang mapaglilingkuran ng sangay ang mahigit 2,000 sari-sari store owners at iba pang kaugnay na negosyo sa lugar. 
Nananatiling mahalagang bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino ang mga sari-sari store. Bukod sa nakapagbebenta ito ng tinging mga produkto, ang pagpapahintulot nito sa impormal na utang ng mga paninda ay malaking bagay para sa mga pamilyang kailangang pagkasyahin ang limitadong badyet. Bukod dito, nagsisilbi rin ang mga tindahang ito bilang tagpuan ng mga magkakapitbahay at lokal na komunidad. 
  Mananatili ang mga sari-sari store bilang puso ng komunidad ng mga Pilipino, saad ni CARD Indogrosir Executive Vice President Frederick Nicasio Torres. Matagal na natin silang sinusuportahan at patuloy natin itong gagawin pagkat sila ang backbone ng ating lokal na ekonomiya. Sila ang nag-su-sustain sa mga komunidad na kanilang ginagalawan. 
Upang mas mapadali para sa mga may-ari ng tindahan ang pag-re-restock at pagbili ng mga paninda sa mas mababang presyo, nag-aalok ang CARD Indogrosir ng digital ordering at direktang delivery sa pamamagitan ng CARD Ottokonek app. 
Ang pagbubukas natin ng ika-100 sangay sa loob lamang ng tatlong taon ay mas makakapagbigay-daan sa atin upang lalo pang matugunan ang pangangailangan ng mga lokal na microentrepreneur, pahayag ni CARD Indogrosir Business Development Head Jeffrey Rilles. 
Habang tinutulungan nating umunlad ang mga sari-sari store, mobile vendor, at lokal na food cart sa pamamagitan ng pagsuporta sa kanila upang makasabay sa kompetisyon, nakatutulong tayong bumuo ng matatag at nagpapatuloy na lokal na ekonomiya sa ating mga komunidad.
Bukod dito, ang CARD MRI ay nagbibigay rin ng mga serbisyong pampinansiyal sa mga negosyante upang magkaroon ng akses sa kapital at loans na makatutulong sa pagtatatag at pagpapalago ng kanilang negosyo sa kabila ng malalaking retail chain.
Pinangunahan nina CARD Indogrosir Executive Vice President Mr. Frederick Nicasio Torres, Distribution Center Head Pak Sayed Maksalmina, at CARD Ottokonek General Manager and Business Development Head Jeffrey Rilles ang pagbubukas ng bagong sangay. Dumalo rin sina CARD MRI Managing Director Aristeo A. Dequito, at Trece Martires Mayor Gemma Lubigan, kasama ang iba pang kinatawan ng lokal na pamahalaan, upang saksihan ang mahalagang milestone na ito.
Sa pagbubukas ng bagong sangay, nag-alok ito ng Buy 1 Take 1 promo para sa mga piling produkto. Nagsagawa rin ito ng iba’t ibang aktibidad tulad ng Zumba dancing, free taste ng ilang produkto, at mga larong raffle sa hapon.
Mula nang buksan ang kauna-unahang tindahan nito sa San Rafael, San Pablo City, Laguna noong 2023, patuloy na pinalawak ng CARD Indogrosir ang mga sangay nito sa CALABARZON, Bicol Region, at Oriental Mindoro. Matatagpuan ang ika-100 sangay sa Lot 3341 D-2-E, Marcius Avenue, Barangay Lapidario, Trece Martires, Cavite, at bukas ito para sa mga walk-in na mamimili ng wholesale at sa publiko. Jireh Pearl Casionan

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course