CARD MBA, kabilang sa Top 500 Mutual Insurers sa buong mundo
CARD MBA, kabilang sa Top 500 Mutual Insurers sa buong mundo
Ang CARD Mutual Benefit Association (CARD MBA), isa sa mga sangay ng CARD MRI na nagsusulong ng microinsurance, ay muling nakabilang sa Top 500 mutual at cooperative insurers sa buong mundo batay sa premium income, ayon sa pinakabagong Global Report 2026 ng International Cooperative and Mutual Insurance Federation (ICMIF).
Nasa ika-481 puwesto sa buong mundo ang CARD MBA, kasama ang mga mutual at cooperative insurers mula sa Europe, North at Latin America, Asia at Oceania, at Africa na nagbibigay ng mabilis na akses sa insurance sa mga tao at komunidad na kanilang pinaglilingkuran.
Ang pagkilala bilang isa sa mga Top 500 mutual insurers sa buong mundo ay higit pa sa pagkilala sa pangako ng CARD MBA na maglingkod sa aming mga miyembro sa buong bansa. Sumasalamin din ito sa aming dedikasyon sa misyon na magbigay ng seguridad sa bawat pamilyang Pilipino at makatulong sa pagsugpo sa kahirapan sa bansa, ani CARD MBA CEO Jocelyn D. Dequito.
Ipinakikita ng pandaigdigang pagkilalang ito ang kahalagahan ng mutual insurance sa mga komunidad upang matiyak na ang mga pamilyang may mababang kita at mga komunidad na higit na nangangailangan ng suporta ay may akses sa proteksiyong pinansyal laban sa mga hindi inaasahang pangyayari.
Itinatag noong 1999, binuo ang CARD MBA upang magbigay ng seguridad sa mga kliyente ng microfinance at mga pamilyang nasa kanayunan laban sa pagkawala ng kita dulot ng pagkamatay, pagkakasakit, o mga kalamidad. Sa kasalukuyan, nagsisilbi ang CARD MBA sa mahigit 8 milyong aktibong miyembro at nagbibigay ng insurance coverage sa mahigit 25 milyong indibidwal sa buong bansa.
Patuloy namang pinalalawak ng CARD MBA ang saklaw ng serbisyo nito sa mga komunidad sa kanayunan at malalayong lugar upang mailapit ang mga produktong microinsurance sa bawat Pilipino.(Edrian B. Banania)
Comments
Post a Comment