Kung Wala Sa Tanggapan Si Congressman Amben Amante

 Kung Wala Sa Tanggapan Si Congressman Amben Amante


Kung hindi man makarating ang Kinatawan sa District Office kung araw ng Huwebes na kalakarang idinaraos ni Congressman Loreto S. Amante bilang kanyang People’s Day o tuwiran pakikipaghalubilo sa mga mamamayan, tulad halimbawa kung ang mambabatas ay dumadalo sa mga congressional meeting;  o nasa opisyal na paglalakbay, ay patuloy na nakakapaglingkod ang kanyang tanggapan sa mga mamamayan ng Ika-3 Distrito ng Laguna, Lunes hanggang Biyernes. May tauhang siyang nag-aasikaso sa mga kahilingan, tulad ni Gng. Grace D. Adap na siyang nag-aasikaso sa mga humihingi ng  tulong sa pagpapagamot at pagpapa-ospital; sa mga humihiling ng tulong sa palibing, at iba pang paglilingkod na panglipunan; at  si Bb. Josefina Andal na siyang gumagabay sa mga pinunong barangay sa tamang paglalahad ng kahilingan para sa pagpapatayo ng mga istrakturang pampamayanan, tulad ng gusaling pampaaralan, gusaling pampangasiwaan ng barangay, at pagpapagawa/pagsasaayos ng mga lansanagan. 
Si dating City Councilor Kristin Ann A. Picazo ang gumaganap na Chief of Staff  sa district office ng Congressman.
Pero sa pananaw ni ABC President Billy M. Bautista ng Alaminos, ang lubhang mahalaga at malaking tulong sa Mambabatas ay ang mga tauhang nagsasagawa ng mga pakikipanayam sa mga karaniwang mamamayan upang makatipon ng mga makabuluhan at mahahalagang impormasyon at datus na lubhang mahalaga sa pagbalangkas ng mga panukalang-batas, lalo at iisipin na si Kinatawan Loreto S. Amante ay miyembro ng 13 House Committee sa 19th Congress na ang ilan pa ay siya pa  ang vice chairman.  (Ruben E. Taningco)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course