Local Pension, Patuloy Na Ipinamamahagi Sa Mga Kwalipikadong Senior Citizen Sa Santa Rosa

 Local Pension, Patuloy Na Ipinamamahagi Sa Mga Kwalipikadong Senior Citizen Sa Santa Rosa



Santa Rosa City, Laguna - Patuloy na ipinamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa ang Local Pension para sa mga kwalipikadong senior citizen na matagumpay na nakapag-update ng kanilang records noong 2025.

Sa pangunguna ni Santa Rosa City Mayor Arlene  Arcillas, isinagawa ang pamamahagi ng pension noong Agosto 21, 2026 sa mga senior citizen mula sa Barangay Malitlit, Malusak at Market Area.

Pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), katuwang ang Senior Citizens Affairs Office (SCAO), ang distribusyon ng ayuda sa mga benepisyaryong nakapasa sa mga itinakdang kwalipikasyon ng programa.

Layunin ng Local Pension Program na makatulong sa pagtugon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga nakatatanda, lalo na sa mga gastusing may kaugnayan sa kanilang pangunahing pangangailangan.

Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ang programa ng patuloy nitong mga hakbang upang mapalakas ang suporta at serbisyong panlipunan para sa senior citizens ng Santa Rosa.

Sa pagpapatuloy ng pamamahagi ng local pension, muling binigyang-diin ng Pamahalaang Lungsod ang kahalagahan ng pagbibigay ng konkretong tulong at serbisyong makatutulong sa pagkakaroon ng mas maayos at marangal na pamumuhay ng mga nakatatanda.(Mhadz/CIO-Santa Rosa)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course