PSA National ID Registration, Available na sa Philhealth San Pablo

 PSA National ID Registration, Available na sa Philhealth San Pablo


San Pablo City-LAguna- Mas inilapit sa publiko ang serbisyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) matapos simulan noong Agosto 10, 2026 ang National ID registration sa PhilHealth Local Health Insurance Office (LHIO) sa San Pablo City.
Isinasagawa ang programa sa pamamagitan ng pagtutulungan ng PSA at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) upang gawing mas accessible, maginhawa at episyente ang pagkuha ng mahahalagang serbisyong pampubliko.
Sa ilalim ng inisyatibo, maaaring magparehistro para sa National ID ang mga kliyente habang inaasikaso ang kanilang mga transaksyon sa PhilHealth, na inaasahang makatutulong upang makatipid sa oras at maging mas maayos ang pag-access sa mga serbisyong kinakailangan.
Ayon sa mga ahensya, bahagi ito ng patuloy na pagsisikap na pag-ugnayin ang mga serbisyo ng pamahalaan at mailapit ang mga ito sa mga mamamayan.
Ang PSA National ID registration sa PhilHealth LHIO San Pablo City ay available tuwing Lunes at Martes.
Pinapayuhan ang mga interesadong magparehistro na magtungo sa PhilHealth LHIO San Pablo City upang makapag-avail ng National ID registration service.(Report mula sa Philhealth Regional Office 4A FB page

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course