SERBISYO PUBLIKO AT PAGSUPORTA SA KALUSUGAN, PATULOY NA ISINUSULONG NI ACTING MAYOR CARMELA A. ACEBEDO

 SERBISYO PUBLIKO AT PAGSUPORTA SA KALUSUGAN, PATULOY NA ISINUSULONG NI ACTING MAYOR CARMELA A. ACEBEDO


San Pablo City,Laguna-Patuloy na isinusulong ni Acting City Mayor Carmela A. Acebedo ang paghahatid ng serbisyong publiko at pagsuporta sa mga programang pangkalusugan para sa kapakanan ng mga mamamayan ng Lungsod ng San Pablo.

Ipinamahagi ng Lokal na Pamahalaan ng San Pablo ang mga wheelchairs sa ilalim ng Comprehensive Indigency  Assistance  Program na kung saan ay personal na ipinagkaloob ni Acting City Mayor Acebedo ang mga nasabing wheelchairs.

Samantala, sinuportahan din ni Acting Mayor Acebedo ang programang pangkalusugan ni Laguna Governor Sol Aragones na “Klinika ni Gob: Mobile Clinic para sa Lahat,” na ginanap sa San Pablo City Central School Gymnasium.

Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob sa nasabing programa ang libreng konsultasyon sa doktor, laboratory tests, dental services, flu vaccination, X-ray at ultrasound, libreng gamot, at PhilHealth YAKAP registration.




Bahagi ito ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng Lokal na Pamahalaan ng San Pablo sa Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna upang higit pang mapalakas ang mga programang pangkalusugan at matiyak ang paghahatid ng mga serbisyong tunay na kailangan ng mga San Pableño. (CIO News and Public Affairs)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course