REMULLA: EVERY POLICEMAN MUST BE MOBILE, EVERY POLICEMAN MUST BE READY
REMULLA: EVERY POLICEMAN MUST BE MOBILE, EVERY POLICEMAN MUST BE READY
Camp Vicente Lim --Binigyang-diin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang kahalagahan ng mabilis at epektibong pagtugon sa mga emergency at banta sa seguridad, kasabay ng pagpapalakas ng mobility ng mga pulis sa buong bansa.
Sa kanyang talumpati sa isinagawang Blessing and Turnover of Unified 911 Emergency Response 150 Motorcycles All Over CALABARZON, sinabi ni Remulla na mahalagang maging mobile at laging handa ang bawat pulis upang mas mabilis na makarating sa mga lugar na nangangailangan ng agarang police response.
“Every policeman must be mobile. Every policeman must be ready.”
Ayon kay Remulla, malaking bahagi ng problema sa police mobility ay nakatuon sa mga patrol car, gayung mas malaking bilang ng mga pulis ang maaaring makinabang sa paggamit ng motorsiklo, lalo na sa mga lugar na masikip at mahirap daanan ng malalaking sasakyan.
Sinabi rin ng kalihim na nais niyang maipakita sa ibang bahagi ng bansa ang inisyatibang ipinatutupad sa Cavite, kung saan patuloy ang pamumuhunan para sa dagdag na mobility assets ng kapulisan.
“Kung ano ang ginawa sa Cavite ngayon, gusto ko gawin sa buong Pilipinas,” ani Remulla.
UNIFIED 911, ISANG SISTEMA PARA SA LAHAT
Binigyang-diin din ni Remulla ang kahalagahan ng Unified 911 Emergency Response System, na aniya ay nagsisilbing tulay upang pag-ugnayin ang iba't ibang ahensiya ng pamahalaan sa pagtugon sa emergency.
Aniya, hindi dapat limitado ang 911 sa aktuwal na emergency lamang. Dapat din itong maging bahagi ng mabilis na pagtugon sa mga banta bago pa lumala ang isang sitwasyon.
“911 should not be only for the emergency, but also in the threat of emergency,” saad ng kalihim.
Ayon kay Remulla, ang iisang emergency response number ay makatutulong upang maging mas simple at mas mabilis ang paghingi ng tulong saanmang bahagi ng bansa.
Binigyang-diin niya na ang 911 ang maaaring magsilbing nag-uugnay sa iba't ibang ahensiya—mula sa local government units (LGUs), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), hanggang sa iba pang responders.
“911 is what binds all the agencies together, from the LGU, to the PNP, to the BFP,” ani Remulla.
PROTEKSIYON SA MGA BATA
Tinalakay din ni Remulla ang pangangailangan ng mas pinaigting na proteksiyon para sa mga bata, partikular laban sa mga panganib na maaaring magsimula sa komunidad at internet.
Binanggit niya ang banta ng child grooming, kung saan maaaring gamitin ang online platforms upang lapitan, manipulahin o pagsamantalahan ang mga menor de edad.
Ayon sa kalihim, kailangang magtulungan ang mga paaralan, magulang, pulisya, LGUs at iba pang ahensiya upang maprotektahan ang mga bata at mabigyan sila ng ligtas na paraan ng pagpunta at pag-uwi mula sa paaralan.
“Dapat hindi matakot ang mga magulang para sa kanilang mga anak,” saad ni Remulla, habang binibigyang-diin ang pangangailangan ng mga serbisyong tutugon sa kaligtasan ng mga kabataan.
MAS MABILIS NA RESPONSE, MAS LIGTAS NA KOMUNIDAD
Iginiit ni Remulla na ang mabilis na emergency response ay mahalagang bahagi ng crime prevention at public safety.
Aniya, kung mas mabilis na nakararating ang mga responder sa isang insidente, mas malaki ang posibilidad na mapigilan ang paglala ng sitwasyon.
Kaugnay nito, hinikayat niya ang lahat ng LGU at law enforcement agencies sa CALABARZON na patuloy na magtulungan upang mapahusay ang kanilang emergency response capabilities.
Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, muling binigyang-diin ni Remulla ang pangangailangan para sa isang kapulisan na laging handa at mabilis kumilos.
“Every policeman must be mobile. Every policeman must be ready.”
150 MOTORSIKLO PARA SA UNIFIED 911 EMERGENCY RESPONSE, ITINURN-OVER SA CALABARZON
“A MORE RESPONSIVE, SAFER CALABARZON”
CAMP BGEN VICENTE LIM, CALAMBA CITY, LAGUNA — Oktubre 7, 2026 — Isinagawa ngayong araw ang Blessing and Turnover Ceremony ng 150 Unified 911 Emergency Response Motorcycles na ipapamahagi at gagamitin sa iba’t ibang lugar sa CALABARZON upang higit pang mapabilis ang pagtugon ng mga awtoridad sa mga emergency at insidente.
Dumalo bilang guest speaker si Secretary of the Interior and Local Government Jonvic Remulla, kasama sina PNP Chief PGen. Jose Millencio C. Nartatez Jr. at PRO CALABARZON Regional Director PBGen. Dominic L. Baccay.
Ang pagkakaloob ng mga motorsiklo ay bahagi ng pagpapalakas sa emergency response capability ng kapulisan, partikular sa mabilis na pagresponde sa mga tawag at insidenteng nangangailangan ng agarang aksiyon.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PBGen. Dominic L. Baccay na ang karagdagang capability ay hindi lamang dagdag na kagamitan kundi mahalagang instrumento upang maging mas mabilis, epektibo at responsive ang serbisyo ng pulisya.
>“A stronger police capability, more effective crime prevention, and ultimately, safer communities,” pahayag ni Baccay.
Ayon sa regional director, makatutulong ang mga bagong motorsiklo upang mailapit pa ang police response sa mga mamamayan at mapalakas ang kakayahan ng PNP CALABARZON sa pagpigil sa krimen at pagtugon sa mga emergency.
Nagpaabot din si Baccay ng pasasalamat kay SILG Jonvic Remulla at sa Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga hakbang upang mapalakas ang operational capability ng PNP.
Aniya, ang mga bagong kagamitan ay magsisilbing dagdag na suporta sa pagtupad ng mandato ng kapulisan at sa pagpapalakas ng partnership nito sa mga komunidad.
Ang turnover ng 150 Unified 911 Emergency Response Motorcycles ay inaasahang makatutulong sa pagkakaroon ng mas mabilis na police mobility at emergency response sa buong CALABARZON.
Sa ilalim ng temang “A More Responsive, Safer CALABARZON,” layunin ng programa na palakasin ang kakayahan ng mga first responders at higit na mapahusay ang serbisyo publiko para sa kaligtasan ng mga mamamayan. (Roy Tomandao)
Comments
Post a Comment