CARD MBA, nagsagawa ng global seminar para patatagin ang proteksyong pinansyal ng mga nangangailangang komunidad
CARD MBA, nagsagawa ng global seminar para patatagin ang proteksyong pinansyal ng mga nangangailangang komunidad sina CARD MRI Founder at Chair Emeritus Dr. Jaime Aristotle B. Alip (una mula sa kaliwa) at CARD MBA CEO Jocelyn Dequito (ikaapat mula sa kaliwa) kasama ang iba pang mga pioneer microinsurance leaders habang nagaganap ang isang panel discussion sa Mutual Microinsurance Network Seminar. Pinangunahan ng CARD Mutual Benefit Association (CARD MBA) ang kauna-unahang Mutual Microinsurance Network Seminar sa pakikipagtulungan sa International Cooperative and Mutual Insurance Federation (ICMIF) Foundation mula Hunyo 17 hanggang 19, 2026 sa AIM Conference Center sa Lungsod ng Makati upang patatagin ang kolaborasyong nakalaan sa pagprotekta sa mga pamilyang may mababang kita. Nakasentro sa temang Replicating Success Globally: Scaling the Mutual Microinsurance Model for the Poorest, ang tatlong-araw na seminar ay nagsilbing plataporma ng pagtutulungan para sa mga kalahok u...