Cayetano nanawagan ng national dialogue tungo sa isang ‘flood-free’ na Pilipinas
Cayetano nanawagan ng national dialogue tungo sa isang ‘flood-free’ na Pilipinas Nanawagan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Biyernes ng isang “national dialogue” na tutugon sa mga sanhi ng pagbaha at sa paulit-ulit na korapsyong nagpapahina sa flood-control efforts ng bansa. Sa isang Facebook livestream noong September 4, 2026, iginiit ni Cayetano na hindi sapat ang mga flood-control project at reporma ng gobyerno para wakasan ang paulit-ulit na pagbaha. Aniya, kailangan ng Pilipinas ng isang komprehensibong estratehiya na mag-uugnay sa flood-control infrastructure, urban planning, land use, rural development, accountability, at higit sa lahat, tamang values bilang isang bansa. “There has to be a national dialogue and discussion. Hindi debate [but] a national dialogue on transforming our nation and how we can ensure that as much as possible, it’s flood-free,” sabi niya. Ayon kay Cayetano, bagama’t nakadadagdag sa pagbaha ang maling disenyo at palpak na mga ...