REMULLA: EVERY POLICEMAN MUST BE MOBILE, EVERY POLICEMAN MUST BE READY
REMULLA: EVERY POLICEMAN MUST BE MOBILE, EVERY POLICEMAN MUST BE READY Camp Vicente Lim --Binigyang-diin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang kahalagahan ng mabilis at epektibong pagtugon sa mga emergency at banta sa seguridad, kasabay ng pagpapalakas ng mobility ng mga pulis sa buong bansa. Sa kanyang talumpati sa isinagawang Blessing and Turnover of Unified 911 Emergency Response 150 Motorcycles All Over CALABARZON, sinabi ni Remulla na mahalagang maging mobile at laging handa ang bawat pulis upang mas mabilis na makarating sa mga lugar na nangangailangan ng agarang police response. “Every policeman must be mobile. Every policeman must be ready.” Ayon kay Remulla, malaking bahagi ng problema sa police mobility ay nakatuon sa mga patrol car, gayung mas malaking bilang ng mga pulis ang maaaring makinabang sa paggamit ng motorsiklo, lalo na sa mga lugar na masikip at mahirap daanan ng malalaking sasakyan. Sinabi rin ng kalihi...